What cause the Vicky Bello, Hayden Kho breakup?2

Melodrama

Hindi raw nagtapos diyan ang kuwento. Matapos makipag-break sa kanya si Dra. Belo, nagtangka diumanong magpakamatay ni Hayden. Nag-overdose raw ito ng Valium, isang gamot na pampatulog. Isang kasamahan daw ni Hayden ang tumawag kay Dra. Belo at ipinaalam ang nangyari rito.

Nang matagpuan daw si Hayden, may nakasulat sa kanyang dibdib na: "I LOVE U, I LOVE U VICKI!"

Si Dra. Belo pa raw mismo ang nagdala kay Hayden sa Makati Medical Center. Drug overdose ang naging diagnosis ng mga duktor kay Hayden, na in-admit nung Lunes, December 15, at matapos ma-detox ay dinischarge ng kanyang duktor noong Huwebes, December 18.

Dagdag dito, habang nakaratay si Hayden ay naitanong pa raw nito kay Vicki: "Can I go back to Belo?" Ang ibig tukuyin ni Hayden ay ang Belo Medical Group, kung saan empleyado siya.

"No," ang sagot daw ni Dra. Belo.

Ikinatuwa naman ito ng party guest na nakausap ng PEP. "I think that's too much if she takes him back. She has done everything for him. She has to think of herself this time."

May PEP source namang duktor sa Makati Medical Center na nagsabing nakita niya mismo si Hayden sa "basement" ng ospital. Ayon sa source, dinadala raw dito ang mga "psychiatric patients needing rehabiliation and suicidal patients needing close watch." Nakita rin daw niya roon si Vicki noong December 18, ang araw ng paglabas ni Hayden sa ospital.

Nang araw ding iyon, ayon sa source, may kasamahan siya na nagsabing natanaw nito si Vicki sa Medical Plaza, isang building sa tabi ng Makati Med kung saan maraming doctors' clinics, kabilang na ang kay Dra. Belo.

"She was crying in the parking lot," pag-quote ng source sa kasamahan. "She was walking to her car and crying. She was in an orange dress."

Sa pag-analisa ng duktor, na may ibang specialization at hindi kasama sa mga tumingin kay Hayden: "I don't think Hayden really meant to kill himself. As a doctor, he knows the lethal dosage. And many males, if they really want to commit suicide, they would succeed."

Rufa Mae denies involvement

Kahapon, December 20, nahingan ng reaksiyon ng Startalk sina Rufa Mae Quinto at Katrina Halili.

Direktang pinabulaanan ni Rufa Mae ang kanyang pagkakadawit sa breakup nina Dra. Belo at Hayden.

"Ha? Ano namang kinalaman ko dun?" sagot ni Rufa Mae. "Wala, hindi lahat ng nagbi-break, kailangang ma-involve o ma-link ako. Breakup ng iba, pati ako madadamay! Ano ba ‘yan?"

Itinanggi rin ni Rufa Mae ang tungkol sa sex video.

"Talaga? Grabe na iyan ha! Todo na ba iyan? Talaga? Sigurado ba kayo, ako? Basta wala akong kinalaman diyan, malayo po, wala akong koneksiyon," sunud-sunod na sabi niya sa panayam ng Startalk sa premiere night ng Desperadas 2 noong Biyernes, December 19.

Diin ni Rufa Mae, "Hindi naman ako guilty, kasi hindi naman ako magpapa-involve sa isang tao na may involvement na."

Nabanggit din ni Rufa Mae na nagsimula silang ma-link ni Hayden nang biruin sila ni DJ Mo Twister sa birthday presentation ng huli sa Showbiz Central this year. "Nung nag-birthday si DJ Mo, niloloko kami ni DJ Mo, siguro inaasar, ganun... Something like that," ani Rufa Mae.

Pero ayon sa isang showbiz insider na nakausap ng PEP, totoong niligawan ni Hayden si Rufa Mae. Ang hindi malinaw sa insider ay kung nagustuhan si Hayden ni Rufa Mae.

Katrina evades the issue

Naging matipid naman si Katrina Halili sa kanyang pananalita nang ma-interview siya nang live nina Butch Francisco, Ricky Lo, at Lolit Solis, na isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Dra. Belo sa showbiz at manedyer din ni Hayden.

"A, masasabi ko po...wala po!" may hagikhik pang sinabi ni Katrina sa Startalk. "Kasi po, ayoko na pong... Kaya po ako nandito ngayon, ayoko pong palakihin yung isyu. Kasi nag-usap po kami ni Dra. Belo. Okay naman po kaming dalawa. Kung magsasalita po ako, hahaba lang po siya nang hahaba. E, wala naman pong problema." Halata ang pag-iwas ni Katrina sa tanong.

Dahil kilalang endorser ng Belo Medical Group si Katrina, tinanong siya ni Lolit kung endorser pa rin ba siya ng Belo at ng sister company nitong Forever Flawless. Umoo naman si Katrina, at pinasalamatan pa nga niya ang mga ito.

Pero ayon sa isa pa ring showbiz insider, "bilang na ang mga araw" ni Katrina bilang endorser ng Belo Medical Group.

Samantala, sa mga oras na ito, pagbukas ng belomed.com, ang website ng Belo Medical Group, ang una pa ring tumatambad ay ang litrato ni Katrina, naka-undies. Ang pangalawa ay ang litrato nina Katrina at Hayden, hubo't-hubad at nakaback-to-back sa sahig, na ginagamit pa rin sa advertising campaign ng clinic at lumalabas pa rito sa PEP.

Nagsimulang ma-link sina Katrina at Hayden pagkatapos nilang magkasama sa Celebrity Duets, isang GMA singing contest na kinatatampukan ng isang celebrity at isang singer. Sa unang season nito, noong 2008, si Hayden ay isa sa mga contestants, samantalang si Katrina ay isa sa celebrity guests na naka-duet niya.

Parehong idinenay noon nina Katrina at Hayden na may namamagitan sa kanila. Maging si Dra. Belo ay mariing pinabulaanan ang isyung ito, lalo pa't kinuha niyang maging endorser ng kanyang clinic si Katrina.

Bukod sa paglabas nila sa Celebrity Duets, nagkasama na nga sina Katrina at Hayden sa pictorial ad ng Belo Medical Group, kung saan pareho silang nude.

Sa interview ng PEP kay Dra. Belo noong May 19, sa birthday party na ibinigay niya para kay Hayden, ito ang sinabi niya tungkol sa pagkakaugnay nina Hayden at Katrina: "I know Katrina so well. She's our baby... Aliw na aliw kami kay Katrina kasi she makes her own career, di ba?"

Natsismis din noon na madalas nakikita si Hayden sa condo unit ni Katrina. Muli ay ipinagtanggol ni Dra. Belo si Katrina. Aniya, "Hindi, a! Sa clinic pumupunta siya palagi. Si Katrina kasi, yung clinic niya sa Morato. Si Hayden din, clinic niya sa Morato. So, nagkikita sila."

Samantala, kinumpirma ng showbiz insider ang sinabi ni Katrina na nagkausap na sila ni Dra. Belo. Kaya lang, mas "kumprontasyon" itong matatawag, sabi ng insider. Naganap ito noong December 16, anim na araw matapos makipagbreak ni Dra. Belo kay Hayden at isang araw matapos itakbo nito si Hayden sa Makati Med.

Sa kanilang pagtatagpo, inamin diumano ni Katrina kay Dra. Belo ang relasyon nila ni Hayden. Ngunit sinabi raw ni Katrina na minsan lang may namagitan sa kanila ni Hayden.

Pero ayon sa isang GMA talent, bagamat totoong matagal nang walang relasyon sina Katrina at Hayden nang madiskubre ito ni Dra. Belo, totoo ring nagtagal ang kanilang ugnayan ng halos isang taon. Ang ibig sabihin daw nito ay isinabay ni Hayden ang relasyon kay Katrina sa pangalawang taon ng relasyon kay Dra. Belo.

Sa sinabi ni Katrina na okay sila ni Dra. Belo, tiniyak naman ng showbiz insider na hindi ito totoo. Labis daw nasaktan si Dra. Belo dahil pakiramdam niya ay trinaydor siya ni Katrina, na itinuring na niyang anak at kinuha pa niyang endorser ng Belo Medical Group.


Page 1-2-3